Mga sugatang pulis pinarangalan ni PRO ARMM RD

Pinarangalan ni PNP ARMM Director Chief Supt. Graciano Mijares ang mga elemento ng Shariff Aguak PNP na nasangkot sa roadside bombing bisperas ng bagong taon.
Mismong si CSupt Mijares ang nagtungo sa mga sugatang police na nagpapagaling sa IPHO sa Datu Hoffer Maguindanao.
Matatandaang naging sugatan sina PO3 Jalison Abdullah, PO1 Archie Ansari Amelista, PO1 Ricardo Almonia, PO1 Alimodin Nuphay at PO1 Zainodin Abdullah matapos masabugan ang kanilang patrol vehicle ng IED.
Maliban sa mga sugatang pulis , binigyan ri ng pagkilala ni CSupt Mijares ang kabayanihan ng pumanaw na si SPO4 Max Kaibat bukod pa sa financial assistance sa kanyang inulilang pamilya.
Habang nagpapatuloy na mas pinaigting pa ng buong hanay ng PNP ARMM ang kanilang pagmamatyag para di na masundan pa ang nasabing pangyayari.

Facebook Comments