Mga sugatang sundalo at evacuees mula sa Marawi, bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Bibisitahin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasugatang sundalo sa nagpapatuloy na bakbakan ng militar at Maute Terrorist Group sa Marawi City.

Kabilang sa mga pupuntahan ng pangulo sa Iligan City ay ang mga miyembro ng second mechanized infantry brigade ng Philippine Army at ang Andres Bonifacio Medical Center.

Base sa pinakabago tala ng AFP, nasa 11 sundalo at dalawang pulis na ang nasawi sa panig ng gobyerno habang 31 sa Maute Group.


Samantala, pupuntahan din ng pangulo ang mga residenteng lumikas mula marawi na kasalukuyang nananatili sa ilang gymnasium sa Iligan.

Tiniyak naman ni NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan na sapat ang suplay ng mga relief goods para sa mga residenteng apektado ng Marawi clash.

DZXL558

Facebook Comments