Mga sugatang sundalo sa SPMS Box binigyan ng pagkilala

Ginawaran ni 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central Commander Maj. Gen. Diosdado C Carreon ng Wounded Personnel Medal ang mga sundalong sugatan sa Camp Siongco Station Hospital sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao na nakipagsagupa sa Islamic Freedom Fighters (BIFF) and Dawlah Islamiyah Terror Group (DITG).
Ang mga ginawaran ng Wounded Personnel Medal ay sina Cpl Jake Ian A Talon,Cpl Alvin B Samama,PFC Danny A Semillano, PFC Jessie Steve C Polinar, PFC Joel Rey C Bacol at PFC Allan James P Cabildo.
Nasugatan ang mga nabanggit sa focused military operations laban sa BIFF at DITG sa Brgy Pamalian at Brgy Pikeg sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.
Ang WPMs ay iginagawad sa mga sugatang sundalo bilang pagkilala sa paglalagay ng kanilang buhay sa peligro upang magampanan ang kanilang tungkulin.(Daisy Mangod)

Facebook Comments