Mga sugatang sundalo, tumanggap ng pamasko mula sa pamunuan ng Philippine Army

Nagbigay pugay ngayong panahon ng kapaskuhan ang pamunuan ng Philippine Army sa kanilang mga sugatang sundalo na nag-alay ng kanilang sarili sa pagganap ng kanilang tungkulin para sa bayan.

Ayon kay Army Chief Major Gen. Romeo Brawner Jr., ang pagbibigay pugay sa mga ito ay sa pamamagitan ng paghahatid ng pamaskong handog sa mga sugatang sundalo na nasa Army General Hospital sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

Sinabi ni Army Chief na nakatanggap ang mga sundalong ito ng grocery packs para sa kanilang noche buena at medya noche.


Siniguro rin ni Brawner ang pagtutok nila para sa mental health ng mga sundalo bilang first priority.

Target din ni Brawner sa kaniyang pamumuno na pagandahin at isaayos ang mga ospital ng army para mabigyan ng atensyong medikal ang kanilang mga frontliner.

Facebook Comments