Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ligtas gamitin ang ilang brand ng sukang nakitaan ng synthetic acetic acid.
Base sa huling pag-aaral ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na 15 mula sa 17 brand ng suka ay mayroong synthetic acetic acid.
Tumanggi ang PNRI na pangalanan ang mga brand na ito, subalit ang FDA ay nagkasa ng eksaminasyon sa lahat ng vinegar brands at lumabas na lima rito ay may sangkap na synthetic acetic acid.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – ang isyu kasi dito ay ang usapin ng polisiya, partikular na ang mislabeling.
Aniya, hindi naaayon sa pamantayan na napag-usapan ng industriya at sa Food and Drug Administration (FDA).
Dagdag ni Duque – maaaring baguhin ng FDA ang standard ng fermentation process at payagang ibenta ang mga ganitong uri ng suka sa merkado.
Bukod sa paglabag sa standard fermentation process, ilang brand ng suka ay hindi inilalagay ito sa kanilang label.