MGA SULIRANIN SA INDUSTRIYA NG BANGUS, TUTUTUKAN

Isinusulong ngayon ang ilang proyektong makatutulong sa patuloy na pagpapalawig ng industriya ng bangus sa Pangasinan at sa bansa.

Alinsunod dito, inilunsad ang Fishcore Project, isang inisyatibo na naglalayong matututukan ang mga suliranin, at mga hakbang o solusyon sa pagtugon dito.

Sa naganap na talakayan sa pagitan ng mga stakeholders mula sa Region 1 at 3, ibinahagi ni Samahan ng Magbabangus ng Pangasinan (SAMAPA) President Christopher Sibayan ang pakikipag-ugnayan hindi lamang ng mga magbabangus, maging mga opisyal ng gobyerno sa pagtataguyod ng mga sustainable practices, maging ang kahalagahan ng inobasyon pagdating sa farming techniques, at ang patuloy na pagbibigay-kaalaman sa mga komunidad ukol sa industriya.

Tiwala ang SAMAPA na sa pamamagitan nito ay makakamit ang mas pinaunlad na Bangus Industry hindi lamang sa Pangasinan, maging sa buong bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments