Mga Sultan sa Mindanao magsasagawa ng General Assembly, Sec. Andanar bibisita

Magsasagawa ng General Assembly ang Confideration of the Royal Sultanates of Mindanao sa May 5, 2018 sa Isulan, Sultan Kudarat Gym.

Nakatakda ring mapapakinggan ang gagawing State of the Confideration Address ni Sultan Omar Pax Mangudadatu, ng Sultanate of Rajah Buayan sa Buayan at sya ring Governor ng lalawigan ng Sultan Kudarat ayon pa kay Sultan Atty. Rico Shariff Pelandoc , Chairman ng Media Affairs Committee sa panayam ng DXMY RMN Cotabato.

Inaasahang magiging bisita sa okasyon si Communications Secretary Martin Andanar habang lalahukan rin ito ng Sultanate of Rajah Buayan sa Buayan, Sultanate of Kabuntalan, Iranun Sultanates League of the Philippines, 16 Royal Houses of Lanao, Federation of Royal Sultanates of Lanao, Royal House of Bangsa Kagan Davao, Royal House of Sugoda Buayan Sarangani at Sultanate of Sulu Archipelago and North Borneo .


Matatandaang nauna na ring ipinahayag ng CRSM na suportado nila ang lahat ng kampanya at adbokasiya ni Presidente Rody Duterte lalong lalo na kontra terorismo, droga at anu mang uri ng krimen. Suportado rin ng mga ito Bangsamoro Basic Law. Matatandaang ang Sultan ang pinakatinitingalang lider at nirerespeto ng isang komunidad sa mga nagdaang panahon at ipinagpapatuloy sa ngayong henerasyon.
GOOGLE PIC

Facebook Comments