Mga Sumailalim sa Saliva Testing ng PRC Isabela, Higit 100

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 164 ang sumailalim na sa Saliva Testing ng Philippine Red Cross-Isabela Chapter ng magsimula ang nasbaing pagsusuri nitong nakalipas na linggo.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay PRC Isabela Administrator Stephanie Cabrera, 78 mula sa 164 ang negatibo ang naging resulta ng saliva test kung saan pawang mga empleyado ng pribadong kumpanya ang nagpapakonsulta.

Aniya, sakaling dumami ang magpapakonsulta ng saliva test ay hindi matitiyak na mailalabas ang resulta sa loob ng 12 hanggang 24 oras.


Samantala, inaasahan naman sa lunes, Pebrero 15, sasailalim sa Saliva Testing ang lahat ng empleyado ng LGU Jones na umaabot sa 495 katao.

Nakikitang dahilan ni Cabrera kung bakit mas marami ang Swab testing ay dahil sa ‘covered’ pa ang gastos nito ng Philhealth.

Hinimok naman nito ang mga Isabelino at mga sektor na mangyaring magpasuri na lamang sa Saliva Test at hindi ang Antigen body test.

Facebook Comments