Umabot na sa 76 ang bilang ng mga heinous crimes convicts na sumuko sa pulisya matapos mapalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Kaninang madaling araw nang dumating sa Bureau of Corrections (BuCor) ang karagdagang 28 preso mula sa Region 2.
Tiniyak naman ni BuCor OIC Deputy Director General Melvin Ramon Buenafe na maayos ang tulugan ng mga sumuko at ngayong araw itutuloy ang pagproseso sa mga ito.
Samantala, datos ng PNP pinakamarami sa mga sumuko ay convicted sa kasong rape at murder.
Matatandaang binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 15 araw ang mga napalayang inmate para sumuko kasunod ng kontrobersya sa Bureau of Corrections (BuCor).
Kung hindi susuko, ituturing silang pugante.
Facebook Comments