Mga Sumukong NPA, MB’s at Supporter, Pinatunayan ang Paglilinlang ng Teroristang Grupo

Cauayan City, Isabela- Pinatotohanan mismo ng mga sumukong kasapi ng New People’s Army (NPA), milisyang bayan at supporter sa Lalawigan ng Cagayan ang mga panlilinlang ng mga teroristang grupo.

Sa ginanap na seremonya sa 17th Infantry Battalion sa bayan ng Lal-lo, sinabi ni “Ka Ed”, isa sa mga boluntaryong sumuko, kanyang sinabi na simula nang sumuko siya noong Disyembre noong nakaraang taon ay napagtanto nito na pawang mga kasinungalingan lamang ang pangako sa kanila na gaganda ang kanilang buhay at matutulungan sila sa kanilang mga problema kung aanib sa kanilang grupo.

Kasama rin nilang nagbalik-loob sa pamahalaan ang 27 na Militia ng Bayan at limang (5) miyembro ng Sangay ng Partidong Lokal (SPL) o mga taga-suporta ng NPA, na pawang mga residente ng bayan ng Rizal sa Cagayan.


Ang pagsuko ng mga nasabing indibidwal ay bunga ng patuloy na pakikipagdayalogo ng mga tropa ng 17th Infantry Battalion sa pangunguna ni Lt. Col. Angelo Saguiguit, Commanding Officer at pagsasagawa ng mga aktibidad na nagdadala mismo sa kanilang komyunidad ng mga programa at serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa panig naman ni 501st IBde Commander, Col Steve Crespillo INF (GSC), nagagalak ito sa boluntaryong pagsuko ng mga dating rebelde at mga suporter ng rebeldeng grupo.

Binigyang diin din ni Crespillo na marami na ang nag-sakripisyo ng kanilang buhay mula sa hanay ng militar at sa rebeldeng grupo kaya dapat nang matigil ang matagal na problema sa insurhensiya sa nasabing lugar partikukar sa Zinundungan Valley.

Facebook Comments