Dumarami pa ang mga sumuko sa PNP na mga bilanggong nakalaya mula sa Bureau of Corrections sa bisa ng GCTA Law na wala sa listahan ng mga Heinous Crime convicts.
Batay sa record ng PNP National Headquarters Office, as of 6:00am ngayong araw, may 523 nang mga convicts ang sumuko sa kanila.
Pero ayon kay PNP deputy Spokesperson Police Lt. Col. Kimberly Molitas, 391 sa mga ito ay hindi kasama sa 1, 914 na nga convicted sa mga Heinous Crimes na nakalaya sa bisa ng GCTA law at 132 lamang sa kanila ang nasa listahan.
Sa bilang na ito ay 321 na ang nai-turned over sa BuCor.
Karamihan sa mga ito ay nahatulan sa mga mas magaan na kaso gaya ng Theft, Illegal gambling at Serious physical injury.
Habang ang mga pinaghahahanap ay ang mga convicted sa mga mabibigat na kaso gaya ng may kinalaman sa Illegal Drugs, Murder, Rape, Arson, Kidnapping at iba pa.
Bukas ay matatapos na ang 15 araw na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte para sumuko ang mga bilanggong nakalaya sa bisa ng GCTA Law.
Kapag hindi sila susuko ay magiging target sila ng Manhunt Operation dead or alive at may patong sa ulo na tig-isang milyong piso.