Manila, Philippines – Hinikayat ng Palasyo ng Malacañang ang mga sumusuporta sa CEO ng Rappler na si Maria Ressa na alamin muna ng buo ang kasong kinakaharap nito bago magsalita.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng paglutang ng mga supporter ni Ressa hindi lamang sa Pilipinas kundi maging mula sa ibang bansa.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, tila ignorante o misinformed ang mga taga suporta ni Ressa sa kasong isinampa laban dito na dahilan kung bakit ito naaresto.
Paliwanag ni Panelo, sa tingin kasi ng mga taga suporta ni Ressa ay basta nalamang itong inatesto ng walang dahilan.
Kaya naman na kung aalamin lang sana muna ng lahat ang katotohanan sa kasong ito ay makikita nilang sumunod sa itinatakda ng batas ang pagaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation kay Ressa.