Mga sundalo at pulis na patuloy na nakikipaglaban sa Mindanao, pinuri ni Pangulong Rodrido Duterte

Manila, Philippines – Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tropa ng militar at pulis na nakikipagbakbakan sa Maute group sa Marawi City.

Sa isang recorded speech na inilabas ng Malacañang kagabi, sinabi ng pangulo na kapuri-puri ang ipinapakitang tapang ng puwersa ng gobyerno para mabawi ang Marawi City sa kamay ng teroristang grupo.

Aniya, umaasa siya na magpapatuloy ang ipinapakitang dedikasyon ng tropa ng gobyerno hangga’t hindi naibabalik ng kapayapaan sa lungsod.


Kasabay nito, hinihimok rin ng pangulo ang mga sundalo na manatiling nakaalerto habang ipinaiiral ang martial law sa buong Mindanao.

Hiniling rin ng pangulo na alalahanin ng lahat ang mga nasawing sundalo at pulis sa nagpapatuloy na bakbakan sa lungsod.

Tiniyak rin niya sa mga pamilya ng mga nasawi at nasugatang sundalo sa bakbakan na lahat ng kanilang pangangailangan ay tutugunan ng pamahalaan.

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, sumaludo pa ang pangulo bilang pagpupugay sa mga sundalo at pulis na lumalaban sa Marawi.

Facebook Comments