Mga sundalo, magiging libre na sa LRT-2

Mabibigyan na ng libreng sakay ang mga sundalo sa lahat ng istasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2.

Ito ay matapos lagdaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at LRT Authority (LRTA) ang Memorandum of Agreement (MOA) na layung magbigay ng libreng-sakay sa lahat ng aktibong military personnel.

Ayon kay AFP Civil Relations Service (CRS) Commander, Major General Bienvenido Datuin Jr. – nagpapasalamat sila sa LRTA Management dahil sa pagpapahalaga sa efforts ng men-in-uniform para gawing ligtas ang publiko.


Patunay aniya ito na ang serbisyong ibinibigay ng mga sundalo ay tunay na ina-appreciate ng mga Pilipino.

Ang mga sundalo ay kailangan lamang magpakita ng official issued AFP ID bilang access pass sa LRT-2 stations.

Ang MOA ay valid hanggang tatlong taon.

Ang LRT-2 ay train system mula Recto sa Maynila hanggang Santolan, Pasig.

Facebook Comments