Umabot sa P206,700 ang nalikom ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army mula sa dalawang araw na meal allowance nang kanilang 897 na mga officers at enlisted personnel.
Ang nalikom na pera ipinambili nila ng groceries at ibinalot bilang Mother´s day gift packages at ipinamigay kahapon sa mga mahihirap na residente ng Tanay, Rizal.
Ayon kay Senior Master Sergeant Ireneo Dialogo, 2 idenfication leader ng Non-Commissioned Officer Corps., ngayong may krisis ito ang panahon para tulungan ang mga pamilyang lubhang apektado ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.
405 na mahihirap na pamilya sa Barangay Sampaloc ang nakatanggap ng Mother’s Day gift packages na naglalaman ng 13 essential items kabilang na ang apat na kilo ng bigas.
Natuwa naman si Major General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., ang Commander nang 2nd Infantry Division sa naging hakbang nang kaiyang mga tauhan na pagtulong sa komunidad na nakapaligid sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.