Cauayan City, Isabela- Naghatid ng tulong ang mga tropa ng 5th Infantry ‘Star’ Division sa mga liblib na lugar kung saan tinaguriang Geographically Isolated and Dis Advantages Areas (GIDAs) at Conflict Affected Areas (ConAAS) bilang pagsuporta sa Inter Agency Task Force (IATF) sa kanilang pamamahagi ng pagkain sa Lambak ng Cagayan at ilang bahagi ng Cordillera na naapektuhan ng Luzon wide Lockdown.
Ang 502nd Infantry Liberator Brigade na pinamumunuan ni BGen. Laurence Mina, kasama ang iba’t-ibang yunit sa kanyang pangangalaga na kinabibilanagn ng 17th Infantry Do or Die Battalion at Tactical Operations Group 2 ng Philippine Airforce ay nag—repack, nagdala at namahagi ng relief goods sa Sitio Lagum, Brgy Lippatan at Balanni Sto ino, Cagayan gamit ang sasakyang panghimpapawid ng PAF.
Sa kanlurang-Silangang bahagi naman ng Cagayan, ang Marine Landing Team 10 na operational controlled din ng 502IB ay nakipagtulungan din sa provincial at local na pamahalaan ng Cagayan sa pamamahagi ng relief goods sa 568 pamilya sa Fuga Island, Aparri, Cagayan.
Patuloy naman na nagbibigay ng seguridad sa mga kawani ng DSWD sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ng pamahalaan ang tropa ng 95th Infantry Salaknib Battalion at 86th Infantry Battalion sa lalawigan ng Isabela at Nueva Vizcaya.
Aktibo rin ang tropa ng 503rd Infantry Brigade sa pamumuno ni BGen. Henry Doyaoen sa pagsasagawa ng information dissemination, pag-repack at pamamahagi ng relief goods sa Lalawigan ng Kalinga, Ifugao at Mt. Province.
Pinuri naman ni MGen. Pablo Lorenzo AFP, pinuno ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang kanilang ipinakitang dedikasyon sa paglilingkod bayan lalo na ngayong nahaharap sa krisis.