Namigay ng mga bagong aning gulay ang mga sundalo ng 1st Infantry Division ng Philippine Army sa mga frontliners sa lalawigan ng Quezon.
Ayon kay Lieutenant Colonel Jesus Diocton, Batallion Commander ng 1st Infantry Division ng Philippine Army buong araw na naglibot kahapon ang kanyang mga tauhan para mamigay ng mga gulay sa nga frontliners.
Aabot aniya sa 3,500 kilong mga gulay mula sa sakahan ng Lucban farmers and growers association ang ipinamahagi.
Ang mga gulay na ito ay sayote, pechay, chinese spinach, talbos ng kamote, labanos at sitaw na pinamigay ng mga sundalo sa mga frontliners sa mga ospital at chekpoints.
Ang Queensland Sunshine Mission Incorporated ang nagbayad ng mga inaning gulay na ipinamigay ng mga sundalo.
Facebook Comments