
Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga sundalo na panatilihin ang paninindigan at huwag magpapadala sa mga baluktot na prinsipyo.
Sa kaniyang talumpati sa ika-28 anibersaryo ng Philippine Army, sinabi ng Pangulo na walang saysay ang pagiging matapang at mahusay na sundalo kung magpapatinag ito sa mga pagsubok.
Kailangan aniya na laging mangibabaw ang kapakanan ng mga Pilipino sa halip na sariling interes para sa susunod na henerasyon.
Bilin pa ng Pangulo sa mga sundalo, na laging maging handa sa paglilingkod nang walang hinihintay na kapalit anuman ang kanilang ranggo.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ng Pangulo ang Philippine Army sa dedikasyon nitong mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng publiko, at proteksyunan ang pambansang depensa at integridad ng Saligang Batas.