Mga sundalo, pinaghahanda ni PBBM sa bagong uri ng pakikidigma

Pinaghahanda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang militar sa mga bagong uri ng pakikidigma, partikular sa digital space.

Ayon kay Pangulong Marcos, napapanahon na para i-develop at paunlarin ng mga kasundaluhan ang kanilang kaalaman at kakayahan sa mga bagong porma ng pakikipaglaban.

Nagbabago na aniya ang lugar ng giyera, hindi tulad ng tradisyunal na pakikipaglaban na lamang kung kaya’t dapat mabigyan ng makabagong porma ng armas ang mga sundalo sa larangan ng digital space.


Giit pa ng pangulo, dapat maging handa ang mga sundalo na labanan ang maling impormasyon, disinformation, at digital operation na naglalayong maghasik ng hidwaan laban sa kanila at sa kanilang hanay.

Kasabay nito, hinimok naman ni Pangulong Marcos ang militar na ituloy ang momentum ng kanilang mga operasyon hanggang sa ganap na malinis ang kanilang nasasakupan mula sa impluwensya ng mga terorista.

Facebook Comments