Mga sundalo pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Nagbigay pugay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa part 2 ng kanyang Talk to the People, nagpapasalamat ang Pangulo sa walang sawang tulong at sakripisyo ng militar gayondin ng Philippine National Police (PNP).

Tinagurian pa nitong utility workers ang mga sundalo dahil sa kahit anong aktibidad, kalamidad ay anjan ang mga militar tumutulong at nagseserbisyo sa publiko.


Samantala, sa ulat ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino sinabi nitong 9,079 personnel ang kanilang ipinadala sa 5 rehiyon sa bansa bago, habang at pagkatapos manalasa ang Bagyong Odette.

Katunayan 28 Naval Assets, 30 Air at 769 Land Assets ang kanilang idineploy upang magbigay ng rescue at relief missions.

Sinabi pa ni Gen. Centino na nagamit din ang mga newly acquired assets ng pamahalaan kabilang na ang BRP Jose Rizal na nagdala ng ayuda sa Palawan, ang mga bagong biling Black Hawk Helicopter na ginamit sa rapid damage assessment, rescue at pagdadala ng relief goods gayundin ang mga bagong trucks ng Philippine Army na nagdala ng tulong sa mga taga Leyte at Surigao at ang mga heavy equipment tulad ng bulldozer at backhoe na ginamit sa road clearing.

Maliban dito iniulat din ni Gen. Centino na nag set up sila ng mobile kitchen na nagpakain sa 25,000 benepisyaryo sa Cebu, nagpadala din sila ng carpentry teams na siyang kumukumpuni sa mga nasirang kabahayan.

Habang ang BRP Ang Pangulo ay kinonvert bilang floating hospital at nagbigay ng medical assistance sa higit 1,000 biktima ng bagyo sa Siargao, nag-deploy din ang AFP ng signal personnel upang makapagprovide ng internet connectivity at libreng phone charging.

Nagkaloob din sila ng potable water at nag transport ng ilang equipment na siyang ginamit para sa power restoration.

Sa ngayon, nagtutuloy-tuloy ang pag asiste ng mga kawani ng AFP sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Tiniyak din nito na kahit naka-deploy ang ilan nilang kawani sa mga nasalanta ng bagyo ay mayroon silang sapat na pwersa upang gampanan ang kanilang mandato ng magbigay ng seguridad sa sambayanang Pilipino.

Katunayan, na neutralized kamakailan ng AFP ang commander ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) na si Commander Minandro Villanueva at si Norodin Hassan na responsable sa pagpapasabog ng bus sa Mindanao.

Facebook Comments