Mga sundalo, pinayuhan ni Pangulong Duterte na huwag na lamang mag-asawa gaya ng mga pari

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo na huwag na lamang mag-asawa, gaya ng mga pari.

Pero sinabi ng Pangulo, maaari pa rin silang magkaroon ng isa o dalawang anak.

Dapat silang humingi ng celibacy tips mula sa mga pari kung paano nila maaalagaan ng maayos ang kanilang pamilya.


Nanagawan din ang Pangulo ng Family Planning sa mga tropa ng gobyerno matapos mabahala sa lumolobong populasyon ng bansa.

Ang Pilipinas ay nagiging ‘baby machine,’ at hindi nakakapag-produce ng sapat na pagkain ang bansa para sa mga Pilipino.

Facebook Comments