Mga sundalo sa Balabac, Palawan, binisita ng AFP chief

Kinumusta ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino ang mga sundalo sa Bugsuk Island sa Balabac, Palawan, ang isa sa pinakamalayong detachment ng militar sa lalawigan.

Ang pagbisita ay bahagi ng regular na pangungumusta ng AFP chief sa mga tropa na naka-destino sa mga liblib lugar.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Jorry Baclor, nais ni Gen. Centino na matiyak mataas ang morale ng mga sundalo na naka-deploy sa “frontline” at laging handa para gampanan ang kanilang tungkulin na pangalagaan ang mga mamayan at ipagtanggol ang teritoryo ng bansa.


Pinuntahan ng AFP chief ang mga tropa sa detachment sa Singkab Port at nagpasalamat sa kanilang serbisyo sa pagbabantay sa komunidad.

Binati rin ni Gen. Centino ang mga sundalo sa kanilang kontribusyon sa pagsiguro ng isang mapayapa at malinis na eleksyon sa Balabac noong Mayo 9.

Facebook Comments