Mga sundalo sa frontline duties, nakatangap ng food items mula sa 18th Congress

Nabigyan ng mga food items ang mga sundalong nakatalaga sa mga frontline duties mula sa 18th Congress.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, kanina isinagawa ang turn over ceremony ng Joint Task Force–National Capital Region (JTF-NCR) sa loob ng Camp Aguinaldo.

Ang natanggap ng mga sundalo ay ang halos 2,000 sets ng gulay, mga packs ng isda at manok at 565 na kahon ng vitamins.


Bilang pasasalamat nagbigay naman ng plaque of appreciation si AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr. kay House Speaker Alan Peter Cayetano.

Tiniyak ni Santos na patuloy nilang pag-iigihan ang nakaatang na trabaho sa kanila para makatulong sa paglaban sa COVID-19.

Facebook Comments