Mga sundalo sa Gitnang Luzon naka handa na para sa mas maraming panggulong gagawin ng NPA kaugnay sa kanilang anibersaryo ngayong buwan

Ngayon pa lamang ay itinaas na sa heightened alert ng 7th Infantry Division ng Philippine Army ang kanilang security status bilang paghahanda sa mas marami pang panggulo gagawin ng New People’s Army.

Ito ay upang maramdaman ang kanilang pwersa kaugnay sa gaganaping ika-limampung anibersaryo ng pagkakatatag ng New People’s Army sa March 29. Ayon kay Gen. Lenard Agustin, Commander ng 7th ID, haharangin nila ang anumang hakbang ng mga rebelde na sisira sa kapayapaan gayundin sa kaayusan sa Gitnang Luzon kung saan may mga hukbo ang NPA

Ito ay kahit na malaki na ang pagbaba ng bilang ng mga rebelde sa kanilang lugar na nasasakupan dahil sa ginagawa nilang Localized Peace Talks.
Dagdag pa ni Agustin, sa kabila na tinatanggap nila ang pagbabalik loob ng ilan sa mga rebelde at patuloy na nanawagan sa iba pa na sumuko, dapat manatili silang mapagmatyag laban naman sa iba pang ayaw ng kapayapaan..


Facebook Comments