Mga sundalo sa Sulu, bakunado na

Fully vaccinated at nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19 ang halos lahat ng sundalo sa lalawigan ng Sulu.

Ito ay matapos ang tatlong araw na bakunahan sa Joint Task Force-Sulu headquarters sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Jolo, Sulu na nagsimula nitong Biyernes hanggang Linggo.

Maliban sa mga regular na sundalo, nabakunahan na rin ang 226 candidate soldiers at 187 miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit, maging ang ilang mga aplikante sa pagkasundalo.


Ang vaccination program ay pinangasiwaan ng medical staff ng Camp Teodulfo Bautista Station Hospital.

Sinabi naman ni JTF-Sulu Commander Major General William Gonzales na nangyari ang pagbabakuna sa mga sundalo dahil sa pagdating ng 15,900 dose ng Astrazeneca vaccine sa Sulu nitong nakaraang linggo.

Facebook Comments