Mga sundalo sasanayin ng TESDA para maging skills trainers

Pinalakas ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Region 11 (Davao Region) ang kanilang partnership sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga sundalo sa ilang construction courses para maging skills trainers.

Ayon sa TESDA matapos nilang sanayin ang mga sundalo sila ngayon ang magsisilbing trainers upang kanila ding maibahagi ang kanilang mga kaalaman sa publiko lalo na yung mga nasa remote areas.


Sa ngayon nakapagsanay na ang TESDA ng 19 na sundalo mula sa 52nd Engineer Brigade ng Philippine Army at nakatanggap na ang mga ito ng certificates sa Carpentry NC (National Certificate) II, Masonry NC II at Tile Setting NC II.

Samantala, target din ng ahensya na magsanay sa construction-related skills upang makatulong sa “Build, Build, Build” program ng Duterte administration.

Facebook Comments