Tumutulong na rin ang mga tauhan ng Philippine Army sa pag-clear o paglinis ng mga lugar na napuno na abo nang magka-ashfall dahil sa naganap na phreatic eruption ng Bulkang Bulusan kamakalawa.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, ang tropa ng 31st Infantry Batallion ng Philippine Army ang naglilinis ngayon sa Barangay Putting, Sapa, Juban sa lalawigan ng Sorsogon.
Ito ang mga lugar na nakaranas ng ashfall dahil sa phreatic eruption ng Bulkang Taal.
Sinabi naman ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., na ang ginagawang ito nang kanyang mga tauhan ay bahagi nang kanilang mandatong pagsilbihan ang mga Pilipino naapektuhan ng kalamidad.
Ito aniya ay parte ng kanilang humanitarian assistance and disaster response missions.
Tiniyak ni Brawner na laging handa ang kanilang hanay para tumulong kung kakailanganin.
Sa ngayon, nanatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan na patuloy nga ngayon minomonitor ng PHIVOLCS.