Mga sundalong hapon, nakikiisa sa KAMANDAG Bilateral Exercise ng mga sundalong Pinoy at Amerikano

Manila, Philippines – Nakikiisa na rin ang mga miyembro ng Japan Ground Self Defense Force sa syam na araw na ginagawang KAMANDAG bilateral exercise sa pagitan ng mga miyembro ng Philippine Marines at mga sundalo ng Estados Unidos.

Ayon kay Captain Maria Rowena Dalmacio ang tagapagsalita ng Philippine Marines, tumutulong sa nagpapatuloy na rehabilitasyon at rural development project sa Casiguran Aurora ang mga sundalo ng Japan.

Paliwanag ni Dalmacio ang pakikiisa ng mga sundalong hapon sa ginagawang KAMANDAG exercise ay dahil sa pagtugon nila sa imbitasyon ng Armed Forces of the Philippines.


Lahat aniya ng mga aktibidad ng Philippine Marines kasama ang tropa ng amerikano at hapon ay may maayos na koordinasyon sa mga concerned agencies ng pamahalaan.

Sa ngayon nasa final phase na ang KAMANDAG exercise na nakatakdang magtapos sa ika 10 ng Oktubre.

Una nang ginawa ang pagsasanat na ito sa Ternate Cavite, Zambalez, Tarlac at ang final phase ay Aurora.

Ang Kamandag bilateral exercise ay taunang aktibidad sa pagitan ng mga sundalong Pinoy at Amerikano na layong magtulungan upang mas mapaunlad ang kanilang mga kaalaman sa pagsasagawa ng security at humanitarian operation upang maayos na makaresponde sa anumang kalamidad.

Facebook Comments