Mga sundalong idineploy sa BRP Sierra Madre, pinarangalan ni Gen. Brawner

Mismong si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., ang sumalubong at nagbigay ng parangal sa mga sundalong idineploy sa Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ito’y sa isang programa sa Naval Detachment sa Oyster Bay Pier sa Puerto Princesa City, Palawan kahapon.

Natapos ang kanilang deployment kasabay ng matagumpay na Rotation and Resupply (RoRe) Mission noong July 27,2024.


Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad, pinasalamatan ni Gen. Brawner ang mga sundalo sa kanilang dedikasyon at commitment sa pag protekta sa soberenya at interes ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Nagpasalamat din si Brawner sa suporta at pang-unawa ng kanilang pamilya na nagsisilbing malakas na morale para sa mga sundalo.

Facebook Comments