Natanggap ng mga sundalong nakatalaga sa 11th Infantry Division ng Philippine Army ang kanilang first dose vaccine kontra COVID-19.
Ayon kay Joint Task Force (JTF) Sulu Spokesperson 1Lt. Jerrica Angela Manongdo, isinagawa ang bakunahan sa headquarters ng Kuta Heneral Teodulfo Bautista, Jolo, Sulu sa tulong ng Integrated Provincial Health Office Sulu.
Hinihikayat naman 1101st Infantry Brigade Commander BGen. Antonio I Bautista Jr., Officer-in-Charge ng 11th ID ang lahat ng kanyang mga kabaro sa Sulu na magpabakuna dahil malaki aniya ang maitutulong na ito para labanan ang pandemya.
Bukod sa pagpapabakuna, utos din ni Bautista sa mga sundalo sa Sulu na sumunod pa rin sa health safety protocols kahit pa bakunado na.
Matatandaang nitong June 29, 2021, kabuuang 1000 vials ng Sinovac vaccines ang nai-deliver sa Sulu sa pamamagitang ng military aircraft.