MGA SUNDALONG NAGPAPAGALING SA PAGAMUTAN, BINISITA NG PINUNO NG 5TH ID

Cauayan City – Personal na binisita ni Major General Gulliver L. Señires, Commander ng 5th Infantry star Division, Philippine Army, ang Startroopers na kasalukuyang nagpapagamot sa AFPMC V. Luna General Hospital sa Quezon City at Army General Hospital sa Fort Bonifacio.

Sa kanyang pagbisita, labing-tatlong Startroopers ang naabutan ng Noche Buena packages bilang simbolo ng suporta at pagpapalakas ng kanilang loob habang hinaharap ang mga hamon ng buhay na kaakibat ng kanilang tungkulin para sa bayan.

Sinamantala rin ni MGen Señires ang pagkakataon upang personal na makausap ang mga sundalong nagpapagaling, pinapalakas ang kanilang loob, at ipinaalala ang kahalagahan ng kanilang kabayanihan, at hinikayat niya ang mga itong manatiling matatag sa gitna ng mga pagsubok na kanilang nararanasan.


Binigyang-diin din ng pagbisita ang pagpapahalaga sa kanilang sakripisyo para sa bayan at ang patuloy na suporta sa kanilang pangangailangan habang sila ay nagpapagamot.

Facebook Comments