Mga sundalong nakatalaga sa Fort Bonifacio sa Taguig, nakatanggap ng libreng flu vaccines

Nakatanggap ng flu vaccines ang mga sundalo sa Fort Bonifacio, Taguig City partikular ang mga nakatalaga sa The Office of the Assistant Chief of Staff for Civil-Military Operations, G7 ng Philippine Army.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, 240 vials ng flu vaccines ang natanggap nila ibinigay ng Rotary Club of Pasig Premier.

Mismong si Col. Victor Llapitan, the Deputy Chief of Staff for Civil-Military Operations ang tumanggap sa mga donasyong flu vaccines.


Ang donasyon ay bahagi ng taunang proyekto ng Rotary Club of Pasig Premier.

Sa ngayon, nasa Army General Hospital Pharmacy na ang mga bakuna para sa proper storage at distribution.

Facebook Comments