Mga sundalong nakipagdigma sa ISIS Inspired Members/BIFF binigyan ng Gold Cross Medal

Binisita at binigyang pagkilala nina Army Chief of Staff Carlito Galvez Jt. at Western Mindanao Commander Lt. General Arnel Dela Vega ang mga sundalong nagbuwis ng buhay at naging sugatan sa nagpapatuloy na operasyon kontra ISIS Inspired Members sa ilang bayan sa Maguindanao.

Kabilang sa mga binigyang pagkilala bunsod sa kanilang ginawang kabayanihan si Lt. Juniber Zunio ng 40th IB na pinarangalan ng Gold Cross Medal habang pinarangalan din sina Sgt Roy Ramirez, Sgt Datukan Moday, Sgt Jason Sinahan, PFC Manual Catalan III, PFC Albert Abao. PFC Jimmy Talib, PFC Diego Benian, PFC Arthuto Alberto Jr. na kapwa mga elemento ng 40th IB at PVT Roy Mark Exiomo.

Tumaas naman ang moral ng mga pamilya ng mga nasawing sundalo lalo na sa mga naging sugatan dahil sa suportang ipinagkaloob sa kanila ng mga opisyales ng miltar.


Sinasabing 3 sundalo na ang nasawi habang 17 na ang naging sugatan sa nagyaring operasyon mula sa ibta ibang bayan ng Maguindanao.

Matatandaang noong nakaraang linggo ng magkaharap ang mga elemento ng 6th ID kontra sa mga teroristang grupo sa SPMS box. Bukod sa di mabilang na mga namatay at naging sugatan sa panig ng mga armado, 2 mga kumander din ang nasawi ayon pa sa 6th ID DPAO Chief Army Cpt. Arvin Encinas.

6th ID Pics



Facebook Comments