Mga Sundalong Nasawi at Nasugatan sa Bakbakan laban sa mga NPA, Binigyang Pagpupugay at Tulong ng Provincial Government ng Isabela!

*Cauayan City, Isabela-* Binigyan ng pagkilala at financial Assistance ng Provincial Government ng Isabela ang mga sundalong nasugatan sa mga bakbakan na naganap sa Lalawigan maging ang pamilya ng mga nasawing sundalo kamakailan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Major Jefferson Somera, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO), nabigyan ng pagkilala at Financial Assistance ang pamilya ng mga nasawi at nasugatang sundalo mula sa 54th IB at 95th IB, 5th ID, PA na sumabak sa mga operasyon laban sa mga NPA dito sa Lalawigan ng Isabela.

Nagagalak naman ang pamunuan ng 5th ID sa pamumuno ni Major General Perfecto Rimando Jr., Commanding General ng 5th Infantry Division, PA dahil sa pagkilala at tulong ng Isabela Provincial Government na iginawad sa mga sundalo.


Malaki naman ang pasasalamat ng pamilya ng mga nagawarang sundalo dahil sa tulong ng pamahalaan ng Isabela.

Dagdag pa ni Somera, naka deploy na sa kanila-kanilang Unit ang mga sugatang sundalo at dumalo lamang ito ang mga sa Provincial Capitol upang tanggapin ang kanilang award.

Samantala, ang pagbibigay tulong at pagbibigay pugay sa mga sundalo ay isinagawa sa flag raising ceremony kaninang umaga sa Provincial Capitol ng Isabela.

Facebook Comments