Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Western Mindanao Command (WESMINCOM) sa Zamboanga City para bigyang parangal ang mga nasawi at nasugatan na mga sundalo sa nangyaring pagbagsak ng C-130 sa Patikul Village sa Jolo, Sulu noong July 4.
Unang pinuntahan ni Pangulong Duterte ang Camp Navarro General Hospital (CNGH) para gawaran ng Order of Lapu-Lapu, Rank of Kampilan ang mga sugatang sundalo.
Pagkatapos nito, nagtungo ang pangulo sa Naval Forces for Western Mindanao (NAVFORWEM) at iginawad ang Order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag sa mga nasawing sundalo.
Nakiramay ang Pangulo sa pamilya ng mga nasawing sundalo.
Nangako naman ang Pangulo na iaabot ng gobyerno ang lahat ng kakailanganing tulong.
Sinabi rin ng Pangulo na dadagdagan ng gobyerno ng benepisyo para sa pamilya ng mga military personnel.
Pagtitiyak din ni Pangulong Duterte na dadagdagan ang pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).