Mga sundalong nasugatan sa bakbakan sa Sulu, pinarangalan

Patikul, Sulu – Binigyan ng wounded personnel medal ang mga sundalong nasugatan sa engkwentro laban sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Lieutenant General Arnel Dela Vega, commander ng Western Mindanao Command, walong sugatang sundalo ang dinala sa Zamboanga City habang 10 iba pa ang nasa Sulu.

Aniya, maliban sa mga sugatan, dinala rin sa Zamboanga City ang limang sundalong namatay sa engkwentro.


Sa panig naman aniya ng Abu Sayyaf ay tatlo ang napatay, kabilang ang isang banyagang terorista na si Black Moro.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang pagtugis ng militar sa mga bandidong grupo sa Sulu sa mga oras na ito.

Facebook Comments