Tumanggap ng medalya at tulong pinansyal ang anim na sundalo ng 94th Infantry Battalion, 3rd Infantry Division na sugatan sa nangyaring enkwentro sa pagitan nila at ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental.
Sa nasabing engkwentro, napatay ng tropa ng pamahalaan ang NPA Commanding Officer ng Regional Operational Command ng Komiteng Rehiyon – Negros at tagapagsalita ng Apolinario Gatmaitan Command na si Romeo Nanta alias Juanito Magbanua.
Si Department of National Defense Officer in Charge Sr. Undersecretary Jose Faustino Jr., kasama si AFP Chief Staff of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, at Philippine Army Chief Lt. General Romeo Brawner Jr., ang personal na nagsabit ng medlya sa mga magigiting na sundalo na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sa Bacolod City.
Ayon kay Faustino, kinikilala nila ang kagitingan at dedikasyon ng mga sundalo na ipagtanggol ang mamamayan laban sa mga teroristang komunista.
Nabatid sa serye ng enkwentro sa Himamaylan sa mga nakalipas na araw, dalawang sundalo ang nasawi at anim ang sugatan, kung saan nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng pamahalaan laban sa mga kasamahan ng yumaong si Juanito Magbanua.