Mga sundalong Pilipino at tropang Amerikano, nagsagawa ng naval disaster drill sa karagatan ng Casiguran, Aurora bilang bahagi ng Balikatan Exercises

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng BalikatanExercises ngayong taon, nagsagawa ng naval disaster drill ng mga sundalong Pilipinoat tropang Amerikano sa karagatan ng Casiguran, Aurora.
  Sentro ng aktibidad na may temang “Civil MilitaryActivities from the Sea” o CMAS, ay Humanitarian Assistance and DisasterResponse.
  Sinabi ni Major Celeste Frank Sayson, Balikatan Spokesmanfor the Phils –masasaksihan ngayong araw ang pag-off load o pagbababa ng reliefitems, medical supplies, at medical personnel kabilang na ang mga doctor atnurses ng pilipinas at amerika, mula sa strategic sealift vessel na BRP Tarlac.
  Isasakay ang lahat ng ito sa dalawang landing craft unitsna silang magdadaong nito sa dalampasigan.
  Kasama ring magsasagawa nito ang isang barko ng US forcesat kanilang air assets, kabilang na ang tinatawag na black hawk at iba panilang helicopter.
  Scenario ng aktibidad ay pagtama ng category 5 na bagyosa Aurora mula sa eastern sea board ng dagat pasipiko.
  Dahil sa matinding epekto ng bagyo ay mawawasak ang mgadaan sa ibat ibang parte ng probinsya kaya walang ibang paraan para maiparatingang tulong kundi mula sa karagatan.
  Ayon kay Sayson, ipakikita rito ang tinatawag na ship toshore assistance, na kahit walang pantalan ay kayang makapaghatid ng tulong samga isolated towns and brgys. sa Aurora province.
 
   

Facebook Comments