Mga sundalong Pilipino na namatay sa Korean war, binigyang-pugay ni PBBM sa UN Memorial Cemetery, South Korea

Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang United Nations (UN) Memorial Cemetery sa Busan, South Korea ngayong Linggo, November 2.

Ito’y para bigyang pugay ang 7,420 sundalong Pilipino na lumaban sa Korean War bilang bahagi ng Philippine Expeditionary Forces to Korea (PEFTOK).

Matapos ang wreath-laying ceremony, pinangunahan din ng Pangulo ang isang tree-planting activity bilang simbolo ng kapayapaan at patuloy na pagkakaibigan ng Pilipinas at South Korea.

Samantala, nakaalis na ng South Korea si Pangulong Marcos Jr. at ang kanyang delegasyon pabalik ng Pilipinas.

Bandang 11:55 nang umaga ang pangulo sa Gimhae Airbase, 10:55 naman ng umaga sa Maynila).

Katatapos lamang ng pagbisita ng Pangulo sa South Korea kung saan siya dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Facebook Comments