Mga sundalong tumutulong sa pagpapatupad ng community quarantine sa Maguindanao, pinagbabaril ng mga miyembro ng BIFF; 2 sundalo, patay

Namatay ang dalawang sundalo habang sugatan ang isa matapos tambangan ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF ang tropa ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Talibadok, Datu Hoffer, Maguindanao.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas, idineploy ang tropa ng militar sa nasabing barangay para tumulong sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa papapatupad ng community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 nang tambangan sila ng BIFF militants.

Dahil ditto, nagkaroon ng sagupaan na nagtagal ng 45 minuto dahilan ng pagkasawi ng dalawang sundalo at pagkasugat ng isa habang hindi pa matukoy ng militar ang nasawi at nasugatan sa panig ng mga nakalabang BIFF na nakatakas matapos ang ilang minuto palitan ng putok.


Agad na isinugod sa ospital ang sugatang sundalo at ngayon patuloy na inoobserbahan.

Ikinalungkot naman ni Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang pagkamatay ng kanyang dalawang tauhan at tiniyak patuloy ang kanilang hot pursuit operation laban sa mga terorista sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments