Mga Suplay pangontra COVID 19 dumating na sa BARMM

Dumating na kahapon ang paunang medical supplies para sa health workers at frontliners ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Bangsamoro Government Center dito sa Cotabato City.

Ayon kay Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo, ang medical supplies ay binili ng Bangsamoro Government bilang tugon sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ilan sa naturang medical supplies ay ibibigay sa Provincial Emergency Operations Center (EOCs) upang suportahan ang mga probinsya sa rehiyon.


Mayroon nang arrangement ang BARMM at si Western Mindanao Command chief Lieutenant General Cirilito Sobejana para sa transportasyon ng medical supplies na para sa island provinces ayon pa kay Sinarimbo.

Ang medical supplies na isinakay sa C 130 cargo plane ng Philippine Airforce ay kinabibilangan ng kahon-kahong Personal Protective Equipment (PPE), surgical masks, face shields, isolation gowns, 70% Isoprophyl alcohol, disinfection solution, thermal scanners, iba’t-ibang mga gamot (multivitamins, vitamin C, paracetamol) at turbo misting machine.

Inaasahan ang pagdating pa ng medical supplies sa mga susunod na araw
BARMM PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments