Mga supplier ng illegal drugs, mas tututukan ng war on drugs – PNP

Mas tututukan na ng war on drugs ng Duterte administration ang mga supplier ng ilegal na droga.

Ayon kay PNP spokesperson, Police Colonel Bernard Banac – bahagi ito ng kanilang pagpapapalit ng istratehiya upang magsugpo ang problema ng ilegal na droga sa bansa.

Aminado si Banac na sa kabila ng paghuli sa mga drug suspects, patuloy na umiikot ang supply ng droga.


Ipapatupad ang bagong istratehiya ngayong Hulyo.

Makikipagtulungan ang PNP sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para tuntunin ang drug suppliers.

Facebook Comments