Mga supporter ni Pangulong Duterte, naghahanap na ng ibang venue matapos magsalita ng Pangulo na patatalsikin sa bansa ang Facebook

Naghahanap na ng ibang venue ang mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod nang ginawang pagkastigo ng Pangulo sa Facebook.

Sa post ni Felipe Delito, sinabi niya na panahon na para i-boycott ang Facebook dahil sa kakaiba nitong ikinikilos.

Sa halip aniya na maging venue ng malayang debate at palitan ng kuro-kuro, ito ang lumalabag sa free speech.


Mistulang instrumento ito ng leftist organizations at ng oligarch at kanilang mga ginagamit na grupo.

Sinabi naman ni Bill Dhon na napansin niya ang pattern ng Facebook na i-block ang kaniyang comments.

Naniniwala naman si Borja Balboa na mga kritiko at oligarch ang nagpapatanggal ng mga account.

Pero, mawala man aniya ang FB, mulat na sa katotohanan ang mga Pilipino.

Sinabi naman ni Myra Lozada, dapat equal sa lahat and FB.

Ang FB aniya ay hindi talaga source ng balita dahil venue ito ng paglalabas ng opinyon at ng creative talents.

Nauna nang kinastigo ni Duterte sa kaniyang public address ang Facebook matapos na i-take down ang accounts ng mga sangay ng gobyerno partikular ang Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa Pangulo, kung mas kampi ang FB sa mga elemento na nais guluhin ang bansa, wala umano itong karapatang mag-operate sa Pilipinas.

Facebook Comments