Mga supporter ni PBBM, magdaraos ng watch party at street concert malapit sa Batasan Complex sa araw ng SONA

90

Magdaraos ng “watch party” at “street concert” ang libu-libong supporters ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mismong araw ng SONA.

Ang pagtitipon ay may temang “SONA All: Kilos Suporta para sa Pagbangon at Pagkakaisa” ay gaganapin malapit sa Batasan Pambansa Complex ng ala-una ng hapon.

Bukas naman ito para sa lahat ng mga Pilipinong sumusuporta sa pangulo.


Ayon kay Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor, organizer ng nasabing event, ito ay panimula ng pagdiriwang ng pagkakasundo at pagkakaisa ng mga Pilipino.

Inaasahang dadalo sa pagtitipon ang maraming kababayan mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila.

Tiniyak naman ng mga organizer ng event sa mga otoridad na mahigpit nilang oobserbahan ang pagsunod sa COVID-19 health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.



Facebook Comments