Mga survivor ng Bagyong Odette, pinayuhan ng Pangulong Duterte na mag-ingat sa mga manggagamit na politiko

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga survivor ng Bagyong Odette na tandaan kung sino ang mga politikong hindi tumulong sa kanila sa oras ng sakuna.

Ayon sa pangulo, dapat ding mag-ingat ang mga residente sa mga politikong bumisita lamang sa kanila para sa publicity o iyong mga kumuha ng mga litrato pero wala namang naibigay na tulong.

Sinabi pa ng pangulo na hindi na siya mangangampanya lalo na’t tapos na naman ang kaniyang anim na taong termino sa susunod na taon.


Humingi rin ng tawad si Pangulong Duterte kung may mga naging pagkukulang siya pero iginiit nito na ginawa niya ang lahat ng makakaya.

Sa ngayon, ilang presidentiables na ang nagsagawa ng relief operations at bumisita na rin sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments