Mga suspected cases ng monkeypox na nasuri ng Philippine Genome Center, natukoy na chickenpox lang

Negatibo sa monkeypox ang lahat ng suspected cases na sinuri Philippine Genome Center.

Ito ay matapos na unang makapagtala ng unang kaso nang monkeypox ang bansa.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Dr. Cynthia Saloma, executive director ng Philippine Genome Center na sa kabila ng negatibo ang lahat ng samples suspected monkeypox cases ay nakikipag- unayan sila sa Department of Health (DOH) para matukoy kung mayroon pang mga ipapadalang sample para masuri.


Paliwanag naman ni Dr. Saloma, bagama’t parehong sumasailalim sa Reverse Transmission – Polymerase Chain Reaction (RT PCR) ang mga taong may sintomas ng monkeypox at COVID-19 ay may pagkakaiba pa rin ang paraang ng pagsusuri sa mga sample ng mga ito.

Anya, gumagamit sila ng shotgun metagenomics sequencing sa pagsusuri sa mga sample ng monkeypox cases.

Paalala naman ni Dr. Saloma sa publiko na may pandemya pa rin kaya dapat manatiling sumunod sa mga health safety protocol at pumunta lamang sa mga well-vintilated area o magandang airflow para makaiwas hindi lang sa COVID-19 maging sa lahat nakakahawakang sakit.

Facebook Comments