Mga Suspek at Intel Officer sa Nangyaring Pagpatay sa Hepe ng Mallig, Sasailalim sa Masusing Imbestigasyon!

Cauayan City, Isabela – Patuloy na iimbestigahan angĀ  mga suspekĀ  sa nangyaring pamamaril sa hepe ng PNP Mallig at ang intelligence officer na nakasama nito sa isinagawang operasyon ng droga kamakailan

Ayon kay Police Regional Director Jose Mario M. Espino, sasailalim sa masusing imbestigasyon ang isa sa suspek na unang nagpahayag na isang menor de edad ngunit sa patuloy na pagtatanong ay lumalabas na nasa tamang edad na ito.

Kabilang din umano na iimbestigahan si PO2 Edwin B. Gumpal ng Intel Operative ng nasabing himpilan matapos na hindi ito agad nasaklolohan ang kanyang hepe ng barilin ito ng malapitanĀ  ng mga suspek.


Matatandaan na umanoy nag-lock ang sasakyan ng hepe na ginamit sa operasyon kung kayaā€™t hindi agad nakalabas si PO2 Gumpal sa sasakyan kayat nakatakas pa ang mga salarin at kung bakit hindi naproteksyonan ang hepe nito.

Samantala, malaki umano ang naging tulong ng PNP Kalinga sa agarang pagkahuli sa dalawang suspek ng pumatay sa hepe ng PNP Mallig na sina Warren Bulawit at Kenneth Liban na pawang residente ng Tabuk City, Kalinga.

Facebook Comments