Mga Suspek na Tumangay sa Sasakyan ng Isang Guro, Nadakip na!

229

*NEWS UPDATE: *Nasa kamay na ng mga alagad ng batas ang mga responsable sa pagtangay sa sasakyan na pagmamay-ari ng isang guro na si Sherwill Balisi, 36 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. San Vicente, Cify of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), sa patuloy na follow-up operation ng mga otoridad ay nahuli ganap na alas onse kaninang umaga sa kahabaan ng Brgy. San Mateo, Quirino, Isabela ang mga suspek na sila Jun Langay, 18 anyos, binata, estudyante, residente ng Brgy. San Mateo, Quirino, Isabela at isang menor de edad na itinago sa pangalang “Jay-ar”.


Narekober ng mga otoridad mula sa mga suspek ang Honda City na may plakang XMR 854 at dinala na sa Ilagan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.

Magugunita na nagtungo ang biktima kaninang umaga sa himpilan ng PNP Ilagan City upang ireport ang pagkakawala ng kanyang sasakyan nang ito’y kanyang iparada sa harap ng kanyang bahay kahapon.

Inihahanda naman ng pulisya ang kasong Carnapping na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments

From Advertisers