Mga suspek sa pagpapasabog sa MSU, konektado rin sa mga nasa likod ng Marawi Seige

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na konektado ang mga suspek sa pagpapasabog sa Mindanao State University (MSU) sa mga nasa likod ng 2017 Marawi Seige.

Ayon kay AFP Spokesman Col. Medel Aguilar, sa katunayan sina Kadapi Mimbesa alyas Engineer at Arsani Membesa na kilala sa mga alyas na lapitos/hatab/khatab ay mga remnants ng Daulah Islamiya Maute group sa Marawi.

Sa ngayon, puspusan ang ginagawang hot pursuit operations ng AFP at Philippine National Police (PNP) upang madakip ang mga suspek.


Una nang nag-alok ang gobernador ng Sultan Kudarat Datu Pax Ali Mangudadatu ng P1 milyong reward money sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek.

Nabatid na si alyas Engineer ay dating estudyante ng MSU pero hindi nito tinapos ang kanyang kursong Bachelor of Science in Agricultural Engineering.

Sa nasabing pagsabog sa MSU, apat ang kumpirmadong nasawi habang hindi naman bababa sa 50 ang sugatan.

Facebook Comments