Mga suspek sa pagpatay kay Los Baños Laguna Mayor Caesar Perez, hindi pa rin tukoy ng PNP

Wala pa ring natutukoy na mga suspek ang Special Investigation Task Group Perez na pumatay kay Los Baños, Laguna Mayor Cesar Perez.

Sa Press Conference sa Camp Crame, sinabi ni Police B/Gen. Felipe Natividad, Regional Director ng Calabarzon Police na hindi pa rin nila tukoy ang mga gumawa at kung ano ang motibo sa krimen.

Pero, sinabi ng opisyal na batay sa ginawa nilang sketch sa testimonya ng 3 testigo, lumalabas na 26 metro ang posibleng layo ng bumaril kay Mayor Perez.


Maaari aniyang nagtago sa bakod dahil sa bullet hole na kanilang nakita.

Iniulat rin ni Natividad na lumabas na ang medico legal ng biktima.

Nakita rito na isang tama ng bala ng baril sa ulo, katawan at kanang balikat ang ikinamatay ng alkalde.

Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang beses na pinaputukan si Perez ng suspek nang siya ay dumating sa munisipyo pasado alas-8:00 ng gabi noong December 4.

Si Perez ay kasama sa mga narco-politician na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.

Facebook Comments